TRENDING | Kontrobersyal na halik ni Pangulong Duterte, naging laman ng mga balita sa iba’t-ibang panig ng mundo

Manila, Philippines – Naging laman na sa mga balita sa iba’t-ibang panig ng mundo ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labi ng isang Pinay kasabay ng pagbisita nito sa Filipino community sa South Korea.

Umani rin ito ng pagsuporta, pagkondena at nagpainit pa ng debate sa pagitan ng mga pulitiko, aktibista at netizens dahil sa tila ‘misogynist’ at ‘unstatesman-like’ behavior ng Pangulo.

Ayon sa Philippine News Agency (PNA), kinilala ang babaeng hinalikan ng Pangulo na si Bea Kim na kasal sa isang South Korean national at mayroong dalawang anak.


Iginiit ni Kim, walang malisya ang halik at layunin lamang nito na ma-entertain at sumaya ang mga kapwa niya Pilipino.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, mas marami ang positibong komento sa ginawa ng Pangulo.

Pero para kay dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño – nagmistulang ‘dirty old man’ ang Pangulo.

Una nang kinondena ng grupong Gabriela at ilang mambabatas ang naging asal ni Duterte.

Facebook Comments