TRENDING | KZ Tandingan, pinanganga ang mga international singer sa ‘Singer 2018’

Showbiz – Trending ngayon ang soul singer na si KZ Tandingan matapos masungkit ang top spot bilang pambato ng pinoy sa singing competition sa China na ‘Singer 2018’

Sa astig na rendition nito ng ‘rolling in the deep’ ni Adele, pinanganga nito ang mga kalabang international singer kabilang na ang British pop singer na si Jessie J.

Standing ovation pa ang mga tao nang bigla itong mag-rap nang tagalog.
Dahil dito nanatili sa ikalawang pwesto si Jessie J sa ikalawang sunod na linggo matapos nitong manguna sa unang tatlong linggo ng kompetisyon.


Ang rankings ay nakabatay sa boto ng studio audience kung saan ang pinakakulelat ay matatanggal at papalitan ng bagong challenger.

Facebook Comments