TRENDING | Lalaki sa China, nag-viral sa social media dahil sa kakaibang paraan nito para makatipid sa gastos sa car wash

China – Sa kagustuhan makatipid, isang lalaki sa China ang nakaisip ng kakaibang paraan para malinisan ang kaniyang sasakyan.

Sinasabing minaneho ng hindi na pinangalanang lalaki ang kaniyang SUV na land rover sa isang ilog para makaiwas sa $3.00 (P159.00) na gastos sa carwash.

Pero dahil sa masyadong makitid at mataas ang tubig sa ilog, maging siya ay muntikan nang ma-trap sa loob nito at mabuti na lamang at nakalabas siya sa pamamagitan ng extra bintana nito sa bubong ng kaniyang sasakyan.


Agad din siyang tumawag ng mga pulis kung saan nasa ligtas siyang kalagayan pero inabot ng ilang oras bago nai-ahon ang kaniyang malinis na malinis nang sasakyan.

Dahil sa insidente, nag-viral sa social media sa China ang kaniyang ginawa at ang ibang netizen ay nagsabing isa daw itong kaso ng sobrang pagtitipid ng mga mayayaman.

Facebook Comments