TRENDING | Larawan ng isda na may ulo ng ibon, viral!

39

China – Is it a bird or a fish?

Ito ang trending na tanong ngayon sa social media matapos na mag-viral ang larawan ng anila ay intriguing-looking creature na may katawan ng isda habang ang ulo ay parang sa ibon!

Binansagan nila itong bird fish, isang uri ng carp fish (karpa) na nabingwit sa Guizhou, South-West China.

Sabi ng ilang internet user, para itong may ulo ng pigeon o parrot habang sabi ng iba, parang cross-breed ito ng carp at dolphin.

Paliwanag naman ng ekspertong si Yang Xing ng Guizhou Fisheries Research Institute, hindi pangkaraniwan ang deformed head ng isda na posible aniyang resulta ng na-damage na embryo habang ito ay lumalaki.

Dahil raw ito sa kakulangan ng oxygen sa tubig dahil na rin sa over-crowded fishing farming.

Facebook Comments