TRENDING | Litrato ng mga pasaherong hawak ang karatulang may nakasulat na hindi sila tambay, viral sa social media

Manila, Philippines – Nagviral sa social media ang litrato ng mga pasahero na may hawak na karatula na nagsasabing hindi sila tambay.

Umabot na sa 17,000 shares at 6,000 reactions ito sa facebook mula nang i-post ito noong Lunes ng gabi, June 25.

Ang nakasulat sa karatulang hawak ng apat na commuters ay: ‘hindi po kami tambay, nag-aabang lang ng jeep at kung tambay man, huwag kaming hulihin, saktan, patayin!’


Ang facebook post na ito ay kasabay ng crackdown ng pulisya laban sa mga tambay.

Facebook Comments