TRENDING | Mark Bautista, no comment muna sa kumakalat na nude video sa social media

Manila, Philippines – No comment muna ang singer na si Mark Bautista hinggil sa kumakalat na nude video na usap-usapan ngayon sa social media.

Nais muna ni Mark na makita ang nasabing video bago niya kumpirmahin kung siya nga ito.

Say pa ni Mark, hangga’t wala siyang nakikitang video ay hindi muna siya magsasalita at wiz na muna daw siya magko-comment.


Pero aminado si Mark na may natanggap na siyang screenshot ng nasabing video subalit hindi pa rin niya ito makumpirma dahil malabo ang kuha.

Sa huli, iginiit ng singer na kapag mayroon siyang hawak na kopya at makumpirmang siya nga ito ay kaniya itong aangkinin at isasawalat sa mundo ng showbiz.

Facebook Comments