TRENDING | Mexican friends, nanood ng World Cup sa Russia bitbit ang life-sized cardboard cutout ng kaibigan nilang hindi pinayagang makasama ng asawa

Russia – Marami ang nagulat at natawa sa kakaibang trip ng isang grupo ng Mexican friends na nagbahagi ng mga larawan ng adventures nila sa panonood ng football world cup sa Russia.

Paano ba naman kasi, bitbit nila ang isang life-size cardboard cutout ng isa nilang kaibigan na hindi nakapanood ng laro matapos na hindi pinayagan ng kanyang asawa!

Taong 2014 pa raw nila pinag-planuhan ang pagbiyahe sa Russia mula Durango, Mexico para lang mapanood nang live ang laro.


Pero dahil hindi raw uso sa kanila ang sumuko, nagdesisyon silang magdala ng life-sized cardboard cutout ng kanilang kaibigan suot ang damit na may nakasulot na “My wife didn’t let me go.”

Mabilis namang nag-viral sa social media ang mga larawan nila kasama ang cardboard cutout na bitbit ng magbabarkada hanggang sa gimikan.

Facebook Comments