TRENDING | Mga kakaibang nail art extension, tampok sa isang salon sa russia

Russia – Usong-uso ngayon sa isang beauty salon sa Russia ang kakaiba nilang nail art extension.

Bagong manicure ka na, may instant suklay ka pa!

May disenyong teeny-tiny combs kasi ang nail art extension na pwede na rin daw panghagod ng buhok sakaling nakalimutan mong magdala ng suklay.


At ang utak sa likod ng creative art nail na ito — ang “nail sunny” na siya ring nagpauso sa Kylie Jenner- inspired baby fingers manicure.

May ilan naman na nagsabing nakakatakot ang itsura ng nail art extension pero para sa mas maraming kababaihang laging ‘on the go’, perfect raw ang ganitong kuko!

Facebook Comments