TRENDING | Palitan ng sweet messages ni Angel Locsin at Neil Arce, nagpakilig sa netizens

Manila, Philippines – Agaw-pansin ngayon ang post ng aktres na si Angel Locsin hinggil sa tunay na relasyon nilang dalawa ng film producer na si Neil Arce.

Nabatid kasi na sunud-sunod ang instagram posts ni Angel, na kasalukuyang nagbabakasyon sa South Korea kasama ang kanyang pamilya tungkol sa papapahayag ng pagmamahal nito kay Neil.

Ang maiksi subalit matamis na caption ng kapamilya actress na”falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce excited to share my 2018 with you”.


Ang magkaroon naman ng “forever” kasama si Angel ang hangad ni Neil, base sa kanyang post sa instagram.

Dahil dito, naging malinaw na ang indikasyon sa tunay na estado ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng kanilang posts.

Facebook Comments