TRENDING | Patay na fox, ginawang manyika ng isang babae sa West England

West England – Viral ngayon sa social media ang isang babae mula sa North West England dahil sa pag-ampon nito sa isang patay na fox o soro.
Kuwento ni Lisa Foxcroft, iniregalo lang talaga sa kanya ang naturang fox ng isang kaibigan na pinangalanan niyang ‘Baby Jesus.’
Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nasagasaan ng kotse si Baby Jesus at kaagad na namatay.
Ayon kay Lisa, na isa ring animal lover, hindi niya kayang mamatay ng ganoon na lang ang alaga niyang fox at mawalay ditto.
Kaya naman i-prineserve niya ito at ginawang stuffed toy.

Facebook Comments