TRENDING | Portable toilet nilipad dahil sa lakas ng hangin

Colorado- Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang paglipad ng dalawang portable toilet dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Sa video na kuha ng isang facebook user, makikitang enjoy na enjoy sa isang park ang mga residente sa Commerce City, Colorado, USA nang biglang humampas ang malakas na hangin.

Nasira ang mga tent habang halos tangayin na rin ng hangin ang mga taong namamasyal sa lugar.


Pero naging sentro ng atensyon ang paghampas ng dalawang portable toilet sa mga nakaparadang sasakyan saka isa-isang lumipad.

Mabuti na lang daw, walang tao sa loob ng mga portable toilet at wala ring nasaktan.

Facebook Comments