Cebu – Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang babae suot ang magarbong disenyo ng kanyang gown sa pagsisimula ng Sinulog Festival search for Festival Queen 2018.
Hindi gaya ng mga gown na inirarampa sa Miss Universe, ibinalandra si Isabel Luche ang gown niya na nagpapakita ng mayamang kultura at pamumuhay ng mga taga-Daanbantayan, Cebu.
Mala-rice terraces ang disenyo ng palda nito, may mga kubo at puno pa ng niyog na pangunahing ikinabubuhay ng mga Tribu Kandaya.
Sa likod ng gown ang isang malaking puno ng niyog habang ang head dress niya ay disenyong araw.
Pero ayon sa grupo, yari sa foam at iba pang indigenous materials ang gown kaya magaan lang ito.
Facebook Comments