TRENDING | Seafoods, umulan sa China!

China – Umulan ng seafoods sa China!

Nitong Miyerkules, kasabay ng naranasang sama ng panahon sa Chinese Coastal City ng Qingdao ay siyang pag-ulan at pagsama sa hangin ng mga octopus, starfish at hipon.

Tinamaan kasi ng severe storm ang nabanggit na siyudad, kaya at inanod ng malalakas na alon ang mga sea creatures sa pampang, habang ang malakas na hangin naman ang nagpalipad sa mga sea creatures na naging sanhi ng kakaibang phenomena.


Nag-viral sa social media ang mga larawan ng nagkalat na lamang dagat sa kalsada, kung saan napag-alaman na hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganitong phenomenon.

Noong nakaraang taon sa Tampico, Mexico at noong 2008, sa Kerala, India, ay umulan naman ng isda.


Facebook Comments