Hollywood – Usap-usapan ngayon ang ginawang sulat ng singer na si Selena Gomez sa ex-boyfriend nito na si Justin Bieber.
Sa sulat ni Selena, nakalagay dito na binabati niya si Justine sa pagiging engaged nito sa girlfriend na si Hailey Baldwin.
Nabatid na isa daw itong paraan para tuluyan nang matigil ang mga fans na umaasa pang muli silang magkakabalikan kung saan ayaw na daw ni Selena na mai-ugnay pa kay Justin para sa ikakatahimik ng kanilang buhay.
Matatandaan na naging on-and-off ang relasyon ni Selena at Justin noong mga nagdaang taon pero nagkaroon na ito ng closure nito lamang taon.
Facebook Comments