Isang 8-year old na batang lalaki ang sikat ngayon sa tawag na “Little Bruce Lee” ng Japan.
Sa halip kasi na naglalaro, mas abala si Ryusei “Ryuji” Imai sa pagte-train ng nunchaku kung saan inspirasyon niya ang martial arts legend na si Bruce Lee.
Alas sais pa lang ng umaga nagsisimula nang mag-ensayo si Ryuji nang isa’t kalahating oras.
Pagkauwi galing school, magjo-jogging siya nang isang oras at dalawang oras namang magpa-practice ng pagsipa at nunchaku routines.
Halos ma-perfect na nga raw ni Ryuji ang nunchaku routine ni Bruce Lee mula sa 1972 movie nito na Game of Death.
At hindi lang bilib ang mga tao sa husay niya sa martial arts, dahil nakagugulat din na maging ang pisikal na pangangatawan ni Bruce Lee, nakuha na rin ni Ryuji!
Sa murang edad, meron na siyang muscle at six-pack abs.