Trending: Tricycle driver, binansagang anghel!

60

 Itinuring na anghel ni Galvez ang isang tricycle driver na si Manong Jimmy Boone ng Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City sa magandang inasal nito.
 
Ito ay matapos sinauli nito ang isang mamahaling cellphone sa kanya matapos niyang maiwan sa tricycle nung papunta siyang trabaho. Nalaman niyang nawawala na nag cellphone niya pagkatapos ng flag ceremony ng kanilang opisina. Sinubukang tawagan ng kasama niya sa trabaho ang kanyang cellphone at masayang sinagot ni manong Jimmy at hinahanap ang kanyang pasahero na si Lisa Socorro Maguindang-Galvez)
 
Buong pusong dinala ni manong Jimmy ang cellphone ni Galvez sa opisina nito. Sinubukang mag alok ng pera si Galvez sa driver pero hindi ito tinanggap ni Manong Jimmy. Sinabi pa nitong sinubukan pa raw bilhin ng sumunod niyang pasahero ang cellphone ni Galvez pero hindi nagpadala ang driver sa alok ng pasahero at mas piniling isauli ito sa totoong may-ari.
 
Hindi naman maipaliwanag ang saya ni Galvez kung saan proud nitong ibinahagi ang magandang nangyari sa kanya sa kanyang facebook account at umaasang mas marami pang mga tulad ni Mang Jimmy na mas pipilling gumawa ng mabuti.
​ (photos:Lisa Socorro Maguindang-Galvez)  
 
 
| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments

From Advertisers