TRENDING | Video ng isang raccoon na umaakyat sa isa sa pinakamataas na building sa Minnesota, USA nag-viral!

43

Amerika – Viral ngayon sa internet ang ginawang pag-akyat ng isang Raccoon sa isa sa pinaka-mataas na building sa St. Paul, Minnesota, USA.

Unang nakita ang raccoon sa labas ng bintana ng gusali na inakala na parang pusa kung saan maaaring natakot ito kaya napilitang umakyat.

Matapos na makita ang raccoon, pinagkaguluhan na ng mga tao at pinanood nila ang mala-spiderman na pag-akyat nito kung saan nagpalak-pakan ang lahat ng makarating siya sa rooftop ng 25-storey building.

Nailigtas naman ang raccoon matapos itong kumagat sa trap na inilatag ng Animal Rescue at kasalukuyan na itong nasa pangangalaga ng Animal Welfare Society.

Facebook Comments