TRENDING | Video ni Santa na nagmamaneho ng jeep sa isang highway sa Indiana, viral

Panghimagas – Kinagigiliwan ngayon sa social media ang viral video ng isang lalaking nakasuot ng costume ni Santa Claus.

Sa halip kasi na sa sleigh, sa jeep nakasakay si Santa!

At gaya ng sleigh ni Santa, hila-hila rin ng reindeer ang kanyang jeep.
Pero hindi ito totoong usa, kundi decoration lang na idinikit sa unahan ng kanyang sasakyan.


Ang video na humakot na ng libu-libong views at share ay kuha sa Indiana Highway sa US.

Facebook Comments