TRESE ANYOS NA BINATILYO, PATAY MATAPOS MALUNOD SA SAPA SA BAYAN NG ALCALA

Patay ang isang trese anyos na Grade 10 Student matapos itong malunod sa sapa sa bayan ng Alcala.
Ang biktima ay nakilalang si Daren Wendel Arciaga residente ng Pindangan West sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nagkayayaan ang biktima at anim pang mga kaklase nito na maligo sa sapa sa kanilang lugar.

Pagdating doon ay agad umanong tumalon sa sapa ang biktima na napunta sa malalim na bahagi ng sapa dahil sa lakas ng agos at nalunod.
Dito na humingi ng tulong ang mga kaklase nito kung saan ay ilang oras din ang nakalipas bago natagpuan ang katawan nito.
Isinugod pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments