MANILA – Nagbabala si Atty. Karen Jimeno na dapat magsilbing aral sa lahat ng Pilipino ang dinanas na trial by publicity noon ni dating Chief Justice Renato Corona at kaniyang pamilya.Ayon sa pamilya ni Corona, ala-1:48 kaninang madaling araw nang pumanaw ang dating Chief Justice sa The Medical City matapos atakihin sa puso.Sa interview ng RMN kay Jimeno, dating legal counsel ng pumanaw na si dating Chief Justice Renato Corona, sinabi niya na matinding stress ang pinagdaanan nito dahil sa impeachment trial noong 2012.Aniya, may probisyon sa Saligang Batas ang due process kaya nangangahulugang bawat isa ay dapat mapagkalooban nito.Ipinaliwanag niya na walang problema kung ang isang gobyerno ay talagang pursigidong labanan ang korapsyon o katiwalian pero ang lahat aniya ay may obligasyong respetuhin ang Rule of Law.Kaugnay nito… Ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes sereno na ilagay sa half-mast ang bandila ng bansa sa high tribunal at sa lahat ng korte sa buong bansa mula ngayong araw.Ang mga labi ni Corona ay nakalagak sa Heritage Park sa Taguig.Si Corona, 67-taong gulang ay ika-23 naitalagang punong mahistrado ng Korte Suprema.
Trial By Publicity Sa Pumanaw Na Si Dating Chief Justice Renato Corona, Dapat Magsilbing Aral Sa Publiko
Facebook Comments