Trial operations para sa online application ng tourist visa, sinimulan na ng Korean Embassy

Sinimulan na ng Korean Embassy sa Pilipinas ang trial operations para sa pagsusumite ng Korean tourist visa applications sa pamamagitan ng e-mail.

Ayon sa embahada, ang trial operation period ay mula ngayong araw, Pebrero 1 hanggang Abril 30 para sa C-3-9 tourist visa application.

Sakop nito ang mga lugar ng Palawan at Mindanao.


Ang tourist visa application by mail fee ay P1,900 kada aplikasyon na binubuo ng P900 Korean visa application center fee at P1,000 delivery fee.

Una nang inanunsyo ng Korean Embassy na gagawin na nilang mas madali ang requirements para sa aplikasyon ng Korean visa sa ilalim ng apat na kategorya.

Kabilang sa mga kategorya ay elected politicians, government officials, professional license holders, at ang lahat ng credit card holders.

Facebook Comments