Manila, Philippines – Palalawigin ng Department of Transportation (DOTr) ang initial trial period ng Dalian train.
Mula sa inisyal na planong patakbuhin lamang hanggang October 31 ang train set ay pinalawig ito hanggang sa November 30.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati – ang extension ng trial deployment ng Dalian ay para sa karagdagang obserbasyon at tulong na rin sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
Gayunman, sa sandaling magsimula ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 ay maaaring pansamantalang ipatigil ang deployment ng nasabing train set.
Facebook Comments