Tricycle at bus, nagsalpukan; Tricycle driver at misis nito, patay

Mulanay, Quezon – Dead-on-the-spot ang isang tricycle driver at misis niya matapos na sumalpok sa bus ang sinasakyan nilang tricycle sa national highway ng Mulanay, Quezon.

Pauwi na raw ang mga biktima sa bayan ng San Narciso nang bumangga sila ng isang sako ng basura.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang tricycle driver saka sumalpok sa kasalubong na bus.


Sa lakas ng impact, wasak ang tricycle at tumilapon ang mga biktima.

Kusang sumuko naman sa Mulanay PNP ang driver ng bus na si Efren Talento na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Facebook Comments