Dalawang babae ang sugatan matapos magbanggaan ang kanilang minamanehong tricycle at motorsiklo sa Brgy. Rizal, Natividad noong Abril 11, 2026.
Batay sa imbestigasyon, bumagal umano papakaliwa ang isang tricycle na minamaneho ng 39-anyos na babaeng canteen owner at lisensyadong drayber.
Kasunod nito ang isang motorsiklo, na minamaneho naman ng 20-anyos na babaeng sales lady na walang helmet at walang driver’s license, na sinubukan mag-overtake.
Sa gitna nito, nagsalpukan umano ang dalawang rider at parehong nagtamo ng pinsala.
Parehong isinugod ang mga biktima sa ospital habang inaalam pa ang kabuuang pinsala sa mga sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








