
Nagbanggaan ang isang kotse at tricycle pasado alas dos ng hapon noong Enero 25, 2026, sa National Road ng Brgy. Capaoay, San Jacinto, Pangasinan.
Batay sa impormasyon, kapwa pa-norte ang direksiyon ng dalawang sasakyan sa oras ng insidente. Nangunguna ang isang itim na SUV na sinusundan ng isang traysikel.
Sa pagdating ng dalawang sasakyan sa nasabing lugar, bumangga ang tricycle sa likurang bahagi SUV, na nagresulta sa pagkasira ng parehong sasakyan. Sa kabila nito, hindi nagtamo ng malubhang pinsala ang dalawang drayber at agad silang isinailalim sa pagsusuri sa ospital.
Ang eksaktong halaga ng pinsala sa mga sasakyan ay patuloy pang tinataya. Samantala, ang dalawang sasakyan ay dinala sa San Jacinto Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang kinakailangang aksiyon.
Muling pinapaalalahanan ng mga kinauukulan ang mga motorista na maging responsable at mapagmatyag sa pagmamaneho upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










