
CAUAYAN CITY- Sugatan ang drayber ng tricycle matapos banggain ng kotse ang kanilang sinasakyang behikulo sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.
Ang sugatang drayber ng tricycle ay isang 58-anyos, lulan nito ang 54-anyos at 49-anyos pawang mga residente ng Cauayan City, Isabela.
Habang ang drayber ng kotse ay si alyas “Uzman”, 47-anyos, at residente ng Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng dalawang behikulo ang parehong direksyon kung saan nasa harapang bahagi ng kotse ang tricycle.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang drayber ng kotse na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin sa tricycle ngunit dahil sa lapit ng distansya nito sa tricycle ay nabangga niya ito kung saan tumama ang pa ito sa naka-park na armored van sa gilid ng kalsada.
Dahil dito, nagtamo ng hindi pa tukoy na halaga ang mga sangkot na behikulo sa aksidente.
Samantala, mahaharap naman ang drayber ng kotse sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physicial Injuries Damage to Property at paglabag sa Sec. 53 ng RA 4136.