Ilagan, Isabela – Tumilapon ang isang tricycle matapos mabangga ng isang pick-up truck.
Sa nakuhang impormasyon ng RMN News Team sa PNP Tumauini na siyang agarang rumesponde sa aksidente at panayam sa investigator on duty na si PO2 Rolando Tan Jr ay pabaybay sa parehong direksiyon at sinusundan ng Izusu Fuego pick-up ang isang TMX tricycle sa hangganan ng San Juan, Ilagan at Lapogan, Tumauini, Isabela bandang alas nuebe ng umaga, Setyembre 16, 2017.
Ayon sa mga nakasaksi na nooy nag-aabang ng masakyang van papuntang Cauayan City ay bigla na lang bumagal ang tricycle at lumiko pakaliwa upang sana ay magpagasolina sa kabilang linya ng hi-way at di namalayan ng driver na may nakabuntot sa kanya na pick up.
Hindi nakaiwas ang driver ng pick-up sanhi ng mga kasalubong na mga sasakyan at nabangga ang tricycle at tumilapon ang driver na nakilalang si Emiliano Torres, 57 anyos at residente ng Divisoria, San Juan, Ilagan City.
Nakilala naman ang driver ng pick-up na empleyado ng pamahalaan na si Marcelino P Correa, 37 anyos at residente ng Faire, Sto Nino Cagayan.
Nagawa namang masaklolohan ang tumilapong driver ng isang Rogelio Narag Jr, nars ng Cagayan Valley Medical Center na noon ay napadaan sa pinangyarihan ng aksidente.
Matapos mabigyan ng 1st aid buhat sa tinamong sugat sa ulo ay dinala si Emiliano Torres sa Ilagan Doctor’s General Hospital para sa karampatang atensiypn medical.
Agad namang ipinasakamay sa PNP Ilagan ang imbestigasyon ng mga rumespondeng kasapi ng PNP Tumauini dahil ang eksaktong lugar na pinangyarihan ng banggaaan ay sakop na ng Ilagan City, Isabela.