TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Hindi nakaligtas sa batas ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Linao East, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ng suspek na si alyas “Danny”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Nasamsam sa suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na isang (1) gramo at nagkakahalaga ng P6,800.


Naaresto si alyas “Danny” matapos magbenta ng ipinagbabawal na gamut sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments