Tricycle Driver Arestado sa Pagnanakaw!

Cauayan City, Isabela – Hindi nakaligtas sa batas ang isang tricycle drayber sa Cauayan City dahil sa kasong pagnanakaw.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Cauayan City, nakilala ang drayber na si Edgar Janio Fugaban, 27 anyos, walang asawa at residente ng Banna Uy Street, District 1, Cauayan City.

Naaresto ng mga elemento ng PNP Cauayan City si Fugaban kahapon March 6, 2018 sa oras na 3:50 ng hapon sa mismong lugar nito.


Ang pagkakahuli kay Fugaban ay sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na may criminal case # 40.11718 na ipinalabas ni Hon. Ariel M. Palee ang Executive Judge ng RTC Branch 40 Cauayan City.

May buong halaga na 120,000.00 pesos na bail bond si Fugaban para sa pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments