
Sugatan ang isang tricycle driver at ang pasahero nito matapos mabangga ng isang van ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bani, Rosario, La Union, bandang alas-otso ng umaga noong Pebrero 5, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, ang tricycle na minamaneho ng 63-anyos na lalaki ay huminto sa southbound lane upang magsakay ng pasahero.
Matapos maisakay ang 15-anyos na estudyante, bigla umanong nagsagawa ng U-turn ang tricycle patungo sa northbound lane kung saan ito nasalpok ng paparating na van na bumiyahe sa southbound direction.
Dahil sa banggaan, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tricycle driver at ang pasahero nito at agad na isinugod sa Rosario District Hospital para sa medikal na atensyon. Ang driver ng van ay hindi nasugatan.
Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyang sangkot sa insidente, na kasalukuyan pang tinataya ang halaga ng pagkukumpuni.
Isinailalim na sa kustodiya ng Rosario MPS ang mga sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.










