Tricycle driver binaril ng CSU dahil sa parking area

74

General Santos City—sugatan ang isang tricycle driver matapos itong binaril ng isang myembro ng Civil Security Unit (CSU) habang nasa loob ng Dr. Jorge Royeca Hospital dito sa lunsod dahil lang sa away sa parking area.

kinilala ang biktima na si Christian Ramirez Caparos, 32, at residenti ng Barangay Bawing Gensan.

Base sa report, hahatid lang sana ng pera ang biktima sa kanyang misis dahil nakaconfine ang kanilang anak sa Dr. Jorge Royeca Hospital. Nang pinarada nito ang kanyang tricycle sa parking area, agad syang sinita ng CSU na si Abdul Pata Abada.

Pinaalis ito ng suspek na naging dahilan ng pagtatalo ng dalawa. Doon bomunot ng baril ang suspek at binaril ng dalawang beses ang driver, agad naman itong tumakas sakay ng kanyang single na motorcycle habang ang biktima naman ay agad na dinala sa emergency room ng nasabing ospital.

Sa ngayong pinaghahanap pa ang nasabing suspek habang ang biktima naman kasalukuyan pang nakaconfine matapos itong nagtamo ng sugat sa kanyang mukha at sa kanyang braso.

Facebook Comments