Tricycle Driver, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

126

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang tricycle driver matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 6:40 ngayong gabi sa Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Kelvin Molina, 29-anyos at residente ng Africano St. District 2, Cauayan City, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Cabatuan Police Station sa pangunguna ni Chief of Police PCapt. Gil Pagulayan, dinakip ang suspek matapos bentahan nito ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500 na buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu sa kanyang bulsa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments