Nagpamalas ng katapatan ang isang tricycle driver nang isauli nito ang nakita niyang bag na pagmamay-ari ng isang dayuhang estudyante.
Kinilala ang tricycle driver na si Ernesto Paladen Hernandez Jr., residente ng Cruzada, Legazpi City, Albay, na hindi nagdalawang isip na dalhin sa Legazpi City Police Station (LCPS) ang nakita nitong bag sa tabi ng kalsada habang pumapasada sa Barangay Pawa.
Nagkataon namang nasa LCPS na rin para mag-report ang may-ari ng bag na si Vikram Nadkari y Arua, Indian national na estudyante.
Naglalaman ang bag ng dalawang passport ng may-ari, mamahaling cellphone, charger, charging wires, mga libro at isang wristwatch.
Humanga at labis na nagpasalamat si Arua sa ipinamalas na katapatan ni Manong Ernesto.
Facebook Comments