Tricycle driver na kinonsiderang “newly identified drug personality”, nadakip ng mga tauhan ng Dipolog City Drug Enforcement Unit

36

Nadakip ngmga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng Dipolog PNP ang isang tricycledriver na kinonsiderang “newly identified drug personality” sa ginawang buy-bustoperation sa Barangay Turno ng syudad ng Dipolog.


Kinilala angsuspek na si Allan Olasiman Antalan, 41 anyos, isang tricycle driver atresidente sa naturang lugar.
Ayon kayPLt. Kent Gudmalin, Intelligence Officer na nanguna sa ikinasang operasyon,nadakip ang suspek matapos ang ginawang buy-bust operation kung saan nabilhanito ng isang pakete ng hinihinalang shabu.
Maliban dito,nakuha din mula sa kanyang posisyon ang tatlong maliit na pakete at isangmalaking pakete ng hinihinalang shabu.
Ayon saDangerous Drugs Board, nasa P30,000.00 ang estimated street value sa mganakumpiskang droga.  -30-  (Mardy D. Libres)

Facebook Comments