Wednesday, March 25, 2026

TRICYCLE DRIVER NA MOST WANTED SA GRAVE THREATS, TIMBOG SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang 52-anyos na tricycle driver matapos ang operasyong ikinasa ng pulisya sa San Carlos City, Pangasinan dahil sa kasong Grave Threats noong umaga ng Marso 24, 2026.

Ayon sa ulat ng San Carlos City Police Station, nadakip ang akusadong kinilala bilang residente ng nasabing lungsod sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱3,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station ang akusado habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa kanyang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments