Thursday, April 9, 2026

Tricycle driver na nahulihan ng nasa ₱3.4-M halaga ng shabu, arestado sa Taguig

Arestado ang isang 40 taong gulang na tricycle driver matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Barangay Maharlika, Taguig.

Nahuli ang nasabing suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng Taguig Police Substation 7 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District Office.

Narekober sa kanya ang 4 na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 3.4 million pesos at iba pang mga gamit.

Ayon kay Taguig City Police Chief, Col. Julius Añonuevo, naging matagumpay ang operasyon sa mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng iba pang law enforcement at sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.

Tiniyak naman nito na tuloy-tuloy ang kampanya ng lungsod laban sa krimen at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa lugar kung saan nakapag-aresto ito ng 1,372 violators.

Kaugnay nito, nahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments