Ayon sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Irene Apuyan Val, nagtungo umano ito sa Public Order Safety Division ng Cauayan City hinggil sa reklamo nito ukol sa ginawang paglabag sakaniyang karapatan matapos itong hindi pasakayin at lampasan na lamang ng nasabing tsuper sakanyang tricycle.
Base sa ibinahaging impormasyon ni Ginang Irene, papunta sana ito sa DSWD upang kumuha ng tulong pinansyal at nang sasakay na sana ito sa isang tricycle na naka toda sa Research, Minante 1 ay hindi umano ito pinansin ng naturang drayber sa halip ay nilayasan ito at nagsakay ng ibang mga pasahero.
Dahil sa labis na pagkadismaya ay naisipan ipost ni Ginang Irene sa kaniyang Facebook account ang kaniyang naranasan na agad naman nakarating sa kinauukulan at doo’y inaksyunan ng POSD at ipinatawag ang inirereklamong drayber.
Patuloy naman ang panawagan ni Chief Pitok sa lahat ng mga tricycle drivers na iwasan ang pamimili ng mga pasahero at respetuhin ang lahat ng mga komyuters lalo na ang mga PWDs.