Tricycle Driver na tubong Cauayan City, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang tricycle driver matapos ang ikinasang buy bust operation pasado 5:00 ng hapon kahapon sa Brgy. Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ferdinand Bergonio, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat ng Reina Mercedes Police Station, nahuli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga ang nasabing tsuper sa isang nagpanggap na poseur buyer.


Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments