Tuesday, March 17, 2026

Tricycle driver, nahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Muntinlupa City

Nakaditine ang Muntinlupa City Police ang isang tricycle driver na nahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Carzo Compound, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Kurt Khrissel, 23 anyos, residente ng Wawa Street, Brgy. Alabang.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa lalaking naglalakad sa Carzo Compound na may dalang baril na nagdulot ng takot sa mga residente. Agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at narekober sa suspek ang .38 caliber pistol at dalawang bala.

Nahaharap si Khrissel sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Facebook Comments