TRICYCLE DRIVER, NAHULIHAN NG P64K HALAGA NG ILEGAL NA DROGA

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Sual, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 35 anyos na tricycle driver.

Nakumpiska sa suspek ang 9.5 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P64, 600, boodle money at ilan pang drug paraphernalias.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments