Tricycle Driver, Patay nang Matagpuan sa Kanyang Tahanan sa Cauayan City, Isabela!

321

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Crime Laboratory sa pagkamatay ng biktima matapos itong matagpuan ng kanyang pamilya na wala nang buhay sa mismong tahanan nito sa Santo Niňo Subd., Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela kahapon. June 15, 2019

Kinilala ang biktima na si Nelson Bucayu, 52 anyos, may asawa, isang tricycle driver at residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Cauayan City PNP, umalis ang biktima para bumili ng gamot nito para sa sakit na hypertension at makaraan ang ilang sandali ay uminom ito ng gamot at nakita na lamang ng 9 na taong na anak na wala nang buhay at nakahandusay sa mismong salas ng kanilang tahanan.

Agad namang tumawag ng tulong ang anak ng biktima sa kanilang mga kapitbahay na agad namang nirespondehan ng rescue 922 at ilang sandali pa ay idineklarang wala ng hininga at pulso ang biktima na resulta ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments

From Advertisers