Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Taytay, Rizal

Photo: Radyoman Rambo Labay

Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa C6, Barangay Santa Ana sa Taytay, Rizal

Hindi pa nakikilala ang biktima na nakasobsob mismo sa manibela ng kanyang tricycle.

Tatlong basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente.


Batay sa pahayag ng mga nakasaksi dakong alas-5 ng umaga kanina nang makarinig na lamang ng sunod-sunod na mga putok ng baril hanggang sa nakitang nakahandusay na ang biktima.

Target ngayon ng pulisya ang CCTV na maaring nakakuha ng insidente.

Facebook Comments