Tricycle driver pinag babaril sa Mandaluyong City, patay

305

Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos pag babarilin sa Mandaluyong City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jovanie Manalo 44 anyos residente ng Brgy Jolo sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Sr. Supt Joquin Alva hepe ng Mandaluyong pulis, namamasada ang biktima at may sakay na 2 pasahero ng pagbabarilin malapit sa Mandaluyong bridge.


Bulagta na si Manalo at nakahinto rin na ang tricycle pero tinadtad parin sya ng bala.

Agad tumakas ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo papunta sa di matukoy na direksyon.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments