TRICYCLE DRIVER, PINAGBABARIL NG RIDING IN TANDEM

Nasawi sa pamamaril ang tricycle driver habang namamasada sa Brgy. Lubong, Umingan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 63 anyos na tricycle driver, residente sa lugar. Ayon sa imbestigasyon, ilang beses na pinaputukan ng riding in tandem na suspek ang biktima. Sakay pa ang mga pasahero ng biktima ng mangyari ang insidente.

Ayon sa mga saksi, Nakasuot umano ng bonnet ang mga suspek na agad tumakas lulan ng motorsiklo.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Hinihinalang dahil sa iringan sa lupa at paghihiganti ang motibo sa pamamaril ayon sa awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon at dragnet operation at backtracking ng CCTV footage upang matunton ang mga suspek sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments