Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Bonuan Boquig, Dagupan City.
Kinilala ang biktima na si Rod Vinluan Mangaoang, trentay nwebe anyos tricycle driver at residente ng Brgy. Anonang, San Fabian, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Dagupan, habang nagmamaneho ang biktima na may tatlong sakay na pasahero pakanlurang direksyon nang biglang sinundan siya ng mga suspek na riding in tandem at pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng anim na tama ng baril sa kanyang katawan, tatlong tama sa kanyang ulo at tatlo naman sa kanyang likuran na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Nakuha din mula sa crime scene ang anim na basyo ng bala at isang slug ng kalibre kwarentay singko nab aril.
Nagsasagawa na ngayon ng follow up investigation ang pulisya sa maaaring pagkakakilanlan ng mga suspek at sa tunay na motibo ng pamamaril.
Ang bangkay ng biktima ay nasa puneraraya na para sa autopsy. [image: RIDING-IN-TANDEM-1.jpg]
Tricycle Driver pinagbabaril ng riding in tandem sa Dagupan City Pangasinan, patay
Facebook Comments