Naaresto ng mga awtoridad sa Agoo, La Union ang isang 35-anyos na tricycle driver na wanted sa kasong attempted homicide.
Ayon sa ulat ng Agoo Municipal Police Station, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong tangkang pagpatay sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code.
May nakatakdang piyansang ₱12,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Agoo Police Station para sa tamang disposisyon ng kaso.
Facebook Comments









