Sugatan ang isang 73-anyos na tricycle driver matapos umanong pukpokin ng bato ng kapwa niya driver sa loob ng pamilihang bayan sa Brgy. Poblacion, Balungao.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek, dahil sa pasaherong pinag-aawayan.
Humantong ito sa pananakit, kung saan pinukpok umano ng suspek ang biktima sa ulo gamit ang isang bato.
Sa lakas ng tama ay nahilo umano ang biktima at hindi na namalayan ang ilan sa mga sumunod na kaganapan, na pinigilan naman ng mga taong nasa paligid ng insidente.
Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa kaliwang mata at mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at agad na dinala sa Rural Health Unit para sa agarang atensyon.
Pinayuhan rin ang biktima na magpasuri sa ophthalmologist upang mabigyang-pansin ang pinsala nito sa mata.
Parehong nagpunta sa Balungao Police Station ang dalawang tricycle driver upang isangguni ang insidente.
Inihahanda na ngayon ang kasong serious physical injury laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









