Patay ang isang kwarentay singko anyos na Tricycle driver matapos itong barilin ng sariling ama sa bayan ng Umingan.
Nakilala ang biktima na si Rey Biaco residente ng Brgy. Caurdanetaan ng nasabing bayan habang ang suspek ay mismong ama nito na nakilalang si Florentino.
Naganap ang pamamaril pasado alas dos ng Hapon sa bahay ng mag anak ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag ama.
Walang ano ano ay naglabas ng isang improvised Shotgun o mas kilala sa tawag na sumpak ang suspek at agad na pinaputukan ang kanyang anak.
Nagtamo ng tama ng bala mula sa Shotgun ang biktima na agad namang isinugod sa hospital subalit idineklarang Dead on Arrival.
Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek kasama ang sumpak na ginamit nito. |ifmnews
Facebook Comments