Tricycle Driver sa Cauayan City, Arestado Dahil sa Kasong Pangmomolestya!

185

Cauayan City, Isabela – Arestado kahapon ang isang traysikel drayber matapos isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Burgos Street, Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Leonardo Saquing Bucag, apatnapu’t apat na taong gulang, binata at residente ng Bucag Street, Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela ang mandamiento de arresto sa kaso ni Bucag na acts of lasciviousness kung saan ay may inirekomendang piyansa na tatlumpu’t anim na libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa PNP Cauayan City na si Bucag para sa dokumentasyon nito bago sa kanyang court of origin.

Facebook Comments