Tricycle Driver sa Lungsod ng Cauayan, Timbog sa kasong Panggagahasa!

Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang Tricycle driver na may kinakaharap na kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dose ng tanghali sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Larry Bajo Vingua, trentay otso anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City si Vingua matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Raul V. Babaran, ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Rape.


Samantala, dinala na sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon habang walang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments